Nanawagan naman si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na iwasan na maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon kasunod ng kumakalat na misteryosong sakit na kumakalat sa China.
Ayon kay Duque, sa gitna ng pagkalat ng hindi pa kilalang sakit ay dapat na Department of Health (DOH) lamang kumuha ng impormasyon dahil ito ay may otoridad at kakayahan na makipag ugnayan sa World Health Organization (WHO).
Sa ngayon aniya ay naghihintay pa rin ng mas malinaw na impormasyon sa ngayon ang DOH mula sa WHO.
Sa huling ulat, mayroon nang 44 na kaso ng misteryosong sakit sa Wuhan Province kung saan 11 sa mga ito ang mayroong severe pneumonia.