Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa paggamit ng carrimycin bilang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na siyentipikong batayan na ligtas at epektibong gamitin ang nasabing gamot para sa COVID-19.
Ang Vergeire, nairehistro ang carrimycin sa U.S. National Library of Medicine para isailalim sa clinical trial para patunayan ang bisa nito bilang panggontra sa COVID-19, ngunit wala pang inilalabas na resulta hinggil dito.
Kaya aniya hindi pa ito inirerekomenda ng DOH para gamiting gamot sa COVID-19 hangga’t wala pang pagpapatunay na maaari itong gawing pang lunas sa virus.
Ginawa ang pahayag na ito ng DOH matapos mapaulat ang paggaling ni AFP chief of staff General Felimon Santos Jr. mula sa COVID-19 dahil sa naturang gamot.