Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa pagbili online ng rapid test kits at iba pang medical supplies para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mga lisensyadong ospital at botika lamang ang pinapayagang mag benta ng rapid test kits.
Habang tanging lisensyadong health care professionals lang aniya ang maaaring gumamit at mag interpret ng mga resulta nito.
Giit ni Vergeire, dapat din ay aprubado ng Food and Drug Administration ang mga test kit at medical supply na gagamitin dahil kung hindi umano ay wala itong katiyakan na ligtas ang mga ito na gamitin