Nagbabala ang department of health hinggil sa paggamit ng antibiotics ng walang reseta ng doktor.
Ayon sa DOH, kapag nag-self medicate o basta-basta uminom ng antibiotic ay posibleng hindi na tatalab sa susunod na pagkakataon ang iba pang gamot dahil magiging “drug resistant” na ang mikrobyo sa katawan.
Kailangan umanong magpakonsulta at magpareseta muna sa doktor bago bumili ng antibiotics sa lisensyadong botika. Nakasaad din na kailangan ay kumpletuhin ang iniresetang gamutan kahit bumuti na ang pakiramdam sa mga unang araw ng pag-inom ng antibiotics.
Hindi rin kailangang manghiram ng reseta para lang makabili ng antibiotics.
Ang antibiotics ay mga gamot na tumutulong labanan ang ating mga impeksyon. Ang maling paggamit nito ay maaaring magdulot ng masamang epekto. Wala nang tatalab na gamot kapag tayo ay nagkasakit at magiging “drug resistant” na ang mikrobyo.
By: Mariboy Ysibido