Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa labis na paggamit ng herbal supplements at iba pang gamot na posibleng magdulot ng kidney damage.
Sinabi ni Health Secretary Janette Garin na mayroong naiiwang residue sa bato ang mga nasabing supplement.
Ayon kay Susan Jorge, pinuno ng Philippine Disease Prevention and Control Program, posibleng magdulot ng kumplikasyon sa bato ang labis na pag-inom ng herbal supplements na kalaunan ay maaaring maging sanhi ng renal failure.
Sakop ng ipinalabas na warning ng DOH ang mga gamot na iniinom ng senior citizens tulad ng non-steroidal anti inflammatory drugs para sa kanilang rayuma.
By Judith Larino