Pinag-iingat ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagkain ng mga exotic foods.
Ito’y matapos mapaulat na posibleng nanggaling sa kinakaing paniki o ahas ang novel coronavirus sa china.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maging ang mga Pilipino ay bukas sa ideya ng pagkain ng mga exotic food.
Gayunman kailangan muna aniyang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan ng sinomang kakain ng mga ganitong uri ng pagkain.
Kaugnay nito, iginiit pa rin ng kalihim na mas mainam pa rin ang pagkain ng masusustansyang pagkain lalo na sa mga bata.