Nagbabala ang Department of Health o DOH sa inaasahang paglobo ng kaso ng dengue ngayong tag-ulan.
Ayon kay Health Undersecretary Dr. Rolando Enrique Domingo, sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto maraming nagkaka-dengue.
Sinabi ni Domingo na ngayong pa lamang ay may mga naitala nang pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang mga lalawigan.
Kabilang dito ay Metro Manila, CALABARZON, Gitnang Luzon, Gitnang Visayas at Hilagang Mindanao.
Samantala, bukod sa dengue nagpaalala din ang DOH sa pagkalat ng iba pang usong sakit tulad ng leptospirosis, diarrhea at gastroentritis.