Nagbabala ang health department sa publiko hinggil sa kumakalat na maling impormasyon patungkol sa pagbabakuna at ayuda.
Ito’y dahil sa pagdagsa ng mga tao sa vaccination site.
Ayon sa kagawaran, hindi dapat maniwala sa fake news na pag hindi nabakunahan ay walang ayuda o hindi papapasukin sa trabaho.
Nagpaalala pa ang DOH na iwasan ang pagkakalat ng maling impormasyon dahil magudulot ito ng kalituhan sa publiko.
Tuloy tuloy pa rin ang isinasagawang pagbabakuna laban sa COVID-19 umulan man o umaraw, ECQ man o GCQ.
Pinaalala pa ng kagawaran sa publiko na maayos na pagsusuot ng face mask at face shield, sumunod sa physical distancing, magdala ng ballpen at alcohol.