Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa pag-inom ng gamot sa malaria upang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat pinapayagan na ngayon ang paggamit ng off labeled drugs tulad ng chloroquine na gamot sa malaria, mga doktor lamang ang puwedeng mag-administer ng gamot at sa mga ospital lamang ito puwedeng gamitin.
Una rito, pinayagan na rin ng U.S. Food and Drug Administration ang paggamit ng dalawang antimalarial drugs laban sa COVID-19.
Pinayagan na ng ating boyerno na magamit itong mga off labeled drugs kasama na po dyan ang chloroquine, ‘yung iba pa pong mga gamot na lumalabas ngayon. An gating payo po sa ating mga kababayan, hindi poi to ginagamit for prophylaxis, hindi po natin ito gagamitin para maprevent na magkaroon tayo ng COVID-19 –ginagamit poi tong mga gamot na ito sa loob ng ospital, guided po ng ating mga doktor,” ani Vergeire.
Samantala, sinabi ni Vergeire na mayroong alok ang World Health Organization (WHO) na lumahok ang Pilipinas sa clinical trial ng mga posibleng gamot sa COVID-19.
Mayroon po tayong sasalihin, ang solidarity trial for these drugs that we use now for COVID-19. Ito ay inaalok sa atin ng World Health Organization at ating pinag-aaralan kung sasali ang gobyerno ng Pilipinas o hindi, para po rito sa pagta-trial nga po ng mga bagong gamot na sinusukan na maaring makapagbigay-tugon dito po sa ating COVID-19,” ani Vergeire.