Posibleng makaranas ng mas matinding malnutrisyon dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon sa Pilipinas.
Ito ang babala ni Department of Health Secretary Teddy Herbosa matapos opisyal na ideklara ng pagasa ang pagsisimula ng El Niño.
Ayon sa kalihim, kapag nakaranas ng maulan, mga sakit gaya ng dengue, leptospirosis at kapag nagkaroon ng drought na maaring kulangin sa suplay ng pagkain dahilan para tumaas ang kaso ng malnutrisyon.
Sa ngayon, mahigpit na nakabantay ang DOH sa mga magiging epekto ng tag-init kaya’t pinayuhan ang publiko na panatilihing bukas sa mga impormasyon patungkol sa epekto ng pagbabago ng panahon.
Pinaalalahanan din ng doh ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na epekto ng matinding init tulad ng heat stroke at mga sakit sa balat. - sa panunulat ni Jenn Patrolla