Nagpaalala ang health department sa publiko na maaari pa rin mahawahan ng COVID-19 ang mga indibidwal kahit na fully vaccinated na.
Ito’y kasunod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng virus at ang pagluluwag sa restriksyon sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi ito ang panahon upang maging kampante ang publiko lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19.
Aniya, patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na health and safety protocols para mapigil ang pagkalat ng kaso sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa 4.9 na mga senior citizen ang fully vaccinated at 7.6 na persons with underlying conditions.