Nagbabala ang Department of Health (DOH) na hindi makakaiwas ang Pilipinas sa community level transmission ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mas lalawak ang lugar ng mga komunidad na apektado ng COVID-19 sa malapit na hinaharap.
Sinabi ni Duque na inilagay sa code red sublevel 1 ang bansa matapos magkaroon ng isang local transmission.
Agad aniya itong itataas sa sublevel 2 sa sandaling magkaroon ng karagdagang community transmissions kung saan isususpinde na ang pasok sa lahat ng paaralan at posibleng maging sa trabaho.
Kasabay nito, sinabi ni Duque na nakahanda silang magpatupad ng localized lockdown.
Maaari anya itong isang barangay o isang buong bayan, depende sa dami ng mga maapektuhan.