Nagbabala ang Department of Health o DOH sa publiko kaugnay sa heat stroke ngayong tag-init.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, iwasang magtagal ng mahabang oras sa sikat ng araw mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.
Paliwanag ni Duque, ito aniya ang pinakamainit na oras sa isang buong araw.
Kung hindi naman umano makakaiwas sa pagbibilad sa araw ay mainam na gumamit ng sunblock.
Dagdag pa ni Duque na higit na makakatulong ang pag-inom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw.