Nagbabala ang Department of Health (DOH) hinggil sa mas mapanganib na bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Edsel Salvana ng technical advisory group ng DOH, mas laganap ang D614C novel coronavirus mutation sa buong mundo kabilang ang Pilipinas.
Ang nasabing variant aniya ng COVID-19 ay mayroong tatlo hanggang siyam na beses na mas nakakahawa kumpara sa iba pang virus ng 2020.
Sinabi ni Salvana na hindi pa man napag uusapan ang ibang variant ng virus ay kumakalat na sa buong mundo kaya’t higit pang paigtingin ang quarantine restrictions.