Nagbigay ng payo ang Department of Health (DOH) para sa ligtas na pagdiriwang ng pasko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maaari pa rin namang magdiwang ng Pasko kahit nariyan pa rin ang banta ng nakahahawang sakit.
Payo ni Duque limitahan lamang ang Noche Buena sa pamilya at huwag nang magpapasok ng ibang tao sa loob ng bahay.
Kung mamimili naman aniya, mas makabubuti kung online store na lang mag shopping at iwasan muna pumunta sa mall at tiangge.
Hinikayat din ng kalihim na hanggat maaari ay magsimba na lamang sa pamamagitan ng online mass para malimitahan ang paggalaw ng tao.