Nagbukas ng hotline ang Department of Health o DOH para sa mga sumbong hinggil sa naging epekto ng anti-dengue vaccine na dengvaxia sa mga wala pang dengue subalit naturukan na nito.
Ito’y makaraang ihayag ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na may tatlong kaso umano ng mga nabakunahan ng dengvaxia ang namatay dahil sa naturang gamot.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, iba ang ibig pakahulugan ng Sanofi sa salitang severe dengue na siyang epekto ng nasabing bakuna.
Gayunman, maaari aniyang tumawag lamang sa kanilang hotline na 711-1001 at 711-1002 tuwing office hours para maiulat sa kanila kung may mga insidente kaugnay nito.
Una nang sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Founding Chairman Dante Jimenez na mahalaga sa kanilang makumpirma ang naturang impormasyon upang mahabol ang lahat ng mga dating opisyal ng gobyerno na sangkot sa pagbili ng multi-bilyong pisong halaga ng bakuna.
—-