Naghahanda na rin ang Department of Health (DOH) sa mga sakit sa pagsapit ng tag-ulan lalo na kung mayruong bagyo habang patuloy ang kampanya kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinaghahanda rin nila ang mga local government units hinggil sa non-covid services pathway.
Ito aniya yung mga sakit o ibang services na dapat i-alok ng healthcare sa kabila ng krisis sa COVID-19 tulad ng dengue.
Ang public health services team ng DOH ang naka toka sa pagtiyak na ang mga sakit sa panahon ng tag ulan ay hindi magiging pabigat sa health care system ng bansa.