Handa ang Department of Health (DOH) para pigilang makapasok sa bansa ang zika virus na kumakalat ngayon sa Latin Amerika.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, ang lamok ang nagdudulot ng zika virus ay ang kaparehong lamok na nagdadala rin ng dengue at chikungunya virus.
Ito aniya ang dahilan kaya’t kaparehong sistema rin para makontrol ang dengue at chikungunya ang kanilang gagamitin upang mapigil ang zika virus tulad ng pagpapanatili ng kalinisan at paglilinis sa mga binabahayan ng lamok.
Noong taong 2012, nakapagtala ang DOH ng isang kaso ng zika virus sa bansa ngunit hindi na ito nadagdagan pa simula noon.
Nagkakaroon ng maliit sa karaniwang ulo ang mga sanggol na apektado ng zika virus.
Pareho ng sintomas ang dengue at zika tulad ng lagnat, trangkaso at rashes.
By Rianne Briones