Sinegundahan ng Department of Health (DOH) and ulat ng Philippine Genome Center (PGC) na may community transmission na ng Delta variant sa Metro Manila batay sa mga samples noong Hunyo at Hulyo.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kung pagbabatayan ang datos ng kanilang nakuha sa PGC ay malaki nga ang posibilidad na may community transmission na.
Paglilinaw ng DOH na sa ngayon ay kailangan pa nila ng sapat na ebidensya para opisyal itong maideklara.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na patuloy ang hakbang ng pamahalaan para makontrol ang hawaan pa ng COVID-19 at mga variants nito. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)