Tumataas ang kaso ng hand, foot and mouth disease sa bansa.
Ito ayon sa Department of Health, matapos umabot ng 1, 517 ang kabuuang kaso ng nasabing sakit.
Binigyan-diin ng ahensya na mas mataas ng 23% ang nasabing bilang kumpara sa parehong panahon nuong nakaraang taon.
Mayroon anilang apatnapunapu’t limang lalawigan at mga lungsod sa labintatlong rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng HFMD.
Dahil dito, ipinag-utos na ng DOH sa lahat ng kanilang tanggapan na mahigpit na bantayan ang mga kaso ng nasabing sakit at pigilan ang pagkalat nito. - sa panulat ni Kat Gonzales