Naglaan ng 6.1 million pesos ang Department of Health para sa pagbili ng mga gamot, health kits, personal protective equipment o PPEs, at iba pang COVID-19 medical supplies para sa mga residenteng apektado ng bagyong “Agaton.”
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipapamahagi ito sa Region V, VI, VII, VIII, at X.
Ayon pa sa DOH, mayroong 55.7 million pesos na nakahanda sa mga warehouse nito upang magamit sa nasabing mga rehiyon.