Tatlong kondisyon ang itinakda ng Department of Health (DOH) para maalis ang State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.
Kabilang sa mga kondisyong ito, ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire ang plateauing of cases, improved vaccination coverage at minimal severe and critical admissions sa mga ospital.
Sinabi ni Vergeire na nais lang nilang matiyak na protektado na ang senior citizens, persons with commorbidities at mga bata kontra COVID-19.
Susuriin muna aniya ng DOH ang bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 lalo na ang mga severe at critical cases gayundin ang mga admission sa ospital bago irekomenda ang pagtatanggal nang idineklarang State of Public Health Emergency.