Naglabas ng guidelines o panuntunan ang Department of Health (DOH) kaugnay sa tamang paggamit ng COVID-19 self-test kits.
Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration para sa mga nakakaranas ng sintomas ng nakakahawang sakit.
Base sa memorandum na pinirmahan ng DOH at FDA, inirerekomenda lamang ang paggamit nito para sa mga may sintomas ng COVID-19 at hindi na kailangan ng reseta para makabili nito.
Hindi din ito maaaring gamitin ng mga asymptomatic, o walang sintomas ng COVID-19 dahil maaari itong makakuha ng false negative result.
Ayon sa DOH, mas mainam kung gagamitin ito sa loob ng pitong araw simula nang unang naramdaman ang sintomas ng COVID-19.
Ang mga magpopositibo sa antigen test kits ay agad na ituturing bilang confirm COVID-19 case na kinakaingang isailalim sa isolation o quarantine. —sa panulat ni Angelica Doctolero