Naglabas ng ilang paalala ng Department of Health (DOH) para maging ligtas ang paggunita ng undas 2022 sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na abiso ng kagawaran, planuhin ng mas maaga ang pagbisita at mas mainam na pumunta ng maaga sa mga sementeryo o simbahan.
Maliban dito, huwag din sumabay sa pagdagsa ng mga tao.
Hangga’t maaari, huwag nang magsama ng mga bata, senior citizens, buntis at miyembro ng pamilya na may karamdaman.
Maiging siguraduhing malinis at maayos ang preparasyon ng mga pagkaing dadalhin sa sementeryo kung saan magdala rin ng payong, kapote, extra face mask, damit, alkohol, pamunas at sapat na tubig sa araw mismo ng Undas.
Payo pa ng DOH, mainan na tanging “fully vaccinated” at mga naturukan na ng booster shots ang pumunta o isama sa sementeryo.
Patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na panuntunan upang hindi maabala at maging maayos ang pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay.