Naglagay ng tent ang Department of Health o DOH sa labas ng Caraga Regional Hospital sa Surigao City para sa mga biktima ng lindol.
Ito ang ipinabatid ni Health Secretary Paulyn Ubial.
Sinabi ni Ubial na tatlong grupo na ang nasa ground na mula pa sa Caraga Region, Northern Mindanao at Davao Region para magkaloob ng psycho-social support, mental health advice at debriefing sa mga pasyenteng nasa Caraga Regional Hospital.
By Meann Tanbio