Naglunsad na ng hotline ang Department of Health o DOH para tumanggap ng mga katanungan ukol sa kontrobersyal na pagbabakuna ng dengue vaccine na dengvaxia.
Ayon sa DOH, maaaring tawagan ang numerong 711-1001 at 711-1002 para sa anumang concern kaugnay ng naturang bakuna kontra dengue.
Una rito, nanawagan sa DOH si Senadora Risa Hontiveros na gumawa ng data base ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia na walang history ng sakit na dengue.
Matatandaang batay sa tala ng DOH pitumpung libo (70,000) mula pitongdaang libong (700,000) kabataang nabakunahan ng dengvaxia ang hindi pa tinatamaan ng dengue.
—-