Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa maaaring gawin sakaling mabiktima ng fire cracker poisoning sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa DOH, may tatlong bagay na dapat tandaan sakaling aksidenteng malason ng paputok.
Una, ilayo ang biktima sa usok ng sumabog na paputok para matiyak na makahihinga ito ng mabuti.
Pangalawa, agad humingi ng tulong medikal mula sa eksperto at huli ay iwasan ang self-medication.
Sinabi ng DOH na mas makabubuti kung agad maitatakbo ang pasyente sa ospital upang masuri at mabigyan ng tamang atensyong medikal.