Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipinong magtutungo ng ibang bansa na kumuha ng international certificate of vaccination kontra polio.
Mayroon na anilang mga bansa ang nagpalabas ng advisory na kailangang may dalang certificate ang mga Pilipino na papasok sa kanilang bansa.
Kailangan ay mayroong certificate of vaccination ng Oral Polio Vaccine (OPV) na dala ang mga Pilipino na tutungo sa Brunei, Lebanon at Morocco.
Certificate of vaccination ng OPV at Injectable Polio Vaccination (IPV) naman ang hinihingi sa mga pilipino na tutungo sa Ukraine.
OPV certification din ang hahanapin sa Georgia, Saudi Arabia at Pakistan.
Samantala, IPV naman sa Indonesia partikular na sa mga seafarers.
Maaaring tumungo sa Bureau of Quarantine para makakuha ng libreng anti polio vaccine.
Pwede ring magpabakuna sa mga pribadong doktor, kailangan lamang dalhin ang certificate.
May bayad na P300 ang pagkuha ng international certificate on vaccination.