Inaasahang bumaba sa humigit-kumulang 2,500 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Disyembre.
Ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahang magsasabay ang pagdami ng tao sa lansangan at pagtaas ng mobility kaya’t marapat isa-alang-alang ng publiko ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS) upang mapanatili ang mababang kaso ng nakahahawang sakit.
Ayon sa Department of Health, di-depende ang pagbaba sa patuloy na pagsunod ng publiko sa Minimum Public Health Compliance.
Nagbabala naman ang DOH na posible rin ang uptrend ng mga aktibong kaso sa mga senaryo kung magkakaroon ng increased mobility mula 82% hanggang 91% at corresponding decrease sa pagsunod sa mphs ng 26%.
Kung saan apat hanggang limang beses na mas mataas ang tinatayang aktibong mga kaso sa katapusan ng Nobyembre at 16 hanggang 20 beses na mas mataas sa December 15. Kung ihahambing sa mga sitwasyon kung saan napanatili ang pagsunod sa MPHS.—sa panulat ni Joana Luna