Umapela ang DOH sa publiko na magpabakuna sa tatlong araw na National Vaccination Drive simula bukas, Lunes, November 29.
Nakiusap din ang DOH sa magpapabakuna sa sumunod sa public health standards para hindi maging COVID-19 super spreader events ang nasabing aktibidad sa loob ng tatlong araw.
Pinayuhan ni Dr Beverly Ho, Director 4 ng Health Promotion Bureau at Disease Prevention and Control Bureau ng DOH ang mga magpapabakuna na palagiang paalalahanan ang bawat isa sa pila na isuot ng maayos ang face mask at sumunod sa physical distancing.
Pinaalalahanan din ng DOH ang mga walk in partikular ang senior citizens at may comorbidities na magpatala na sa kanilang LGU’s para maiwasan ang overcrowding.