Hinimok ng Department of Health (DOH) ang vaccine administrators na huwag gamitin bilang booster shots ang mga bakunang nakalaan para sa primary series.
Nakapaloob sa primary vaccination series ang bilang ng dose na itinakda ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, prayoridad pa ring tapusin ang pagbabakuna ng primary doses.
Sinabi pa ni Cabotaje na may mga nakareserbang mga bakuna para sa pagtuturok ng booster shot. —sa panulat ni Hya Ludivico