Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa pagsasagawa ng mga party na itinuturing na “superspreader events”.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaki ang tyansa na sa ganitong mga pagtitipon ay kumalat ang COVID-19 dahilan para tumaas na naman ang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Kaya muli aniyang ipinapaalala ng ahensya na bawal pa rin ang mga pagtitipon gaya ng parties kasabay ng panawagan sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang kanilang nasasakupan para maiwasan ang mga superspreader events.
Hinihimok ng DOH ang publiko na hanggat maaari ay manatili pa rin sa bahay at iwasan ang lumabas kung wala namang mahalagang pupuntahan upang tuloy-tuloy na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.