Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa sakit na maaaring makakuha tuwing tag-ulan, partikular ang leptospirosis.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nakukuha mula sa mga hayop.
Ang bacteria aniya ay madaling kumalat sa tubig baha at makahawa sa mga sugat o mga sugat sa balat.
Kaugnay nito, sinabi ni vergeire na mahalagang paanatilihing malinis ang kapaligiran at iwasan ang paglusong maglaro, o lumangoy sa tubig-baha, lalo na kung may sugat.
Sakali namang makaranas ng sintomas ng leptospirosis, gaya ng lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, paninilaw ng balat at mata, pinayuhan ng opisyal ang publiko na agad na humingi ng tulong medikal.