Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag mag-panic sa halip ay mag-ingat sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat maintindihan ng publiko na nananatili pa rin ang virus at ang pagkalat nito.
Aniya, pinaka-importante naman ay nasa minimum ang severe at critical cases ng COVID-19 at kakaunti lamang ang bilang ng mga namamatay.
Nabatid na umabot na sa 1,535 ang average new daily infections na mas mataas kumpara sa 1,009 cases na naitala noong nakaraang linggo habang mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 naman ang naiulat ng DOH kahapon.