Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang paninigarilyo at paggamit ng vape.
Ayon kay DOH-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa, layunin nitong mabawasan ang panganib na tamaan ng kanser sa baga.
Batay sa datos ng kagawaran, nangunguna ang lung cancer sa lahat ng uri ng kanser na sanhi ng kamatayan sa pilipinas kung saan umabot ito sa 17,063.
Nabatid na base rin sa World Health Organization, karaniwang dahilan ng pagkasawi sa buong mundo ang kanser.