Kumain ng masustansyang pagkain.
Ito ang payo ng Department of Health sa publiko ngayong holiday season.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, kung hindi maiiwasan ang “binge eating,” tiyaking babalik sa healthy lifestyle pagtapos ng holiday.
Dagdag pa ni Undersecretary Tayag, sa halip na mag-uwi ng pagkain sa mga pagtitipon ng pamilya, mas mainam na ibahagi na lang ito sa mga nangangailangan. - sa panulat ni Charles Laureta