Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na laging magtabi ng prophylaxis lalo na sa panahon ng tag-ulan para labanan ang leptospirosis.
Inilabas ni Health Undersecretary Eric Domingo ang paalala sa harap ng patuloy na pagdami ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon kay Domingo, kelangan lamang uminom ng prophylaxis sa loob ng 24-48 oras matapos na malublob sa baha.
Binigyang diin ni Domingo na bagamat nakamamatay ang leptospirosis, ito naman ay pwedeng agapan.