Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga hindi naipamahaging overstocked na gamot.
Ito’y matapos masilip ng Commission on Audit ang nasa P18-M halaga ng mga gamot na na-expire na lamang sa DOH.
Inamin ni DOH Undersecretary Eric Domingo na January 2018 pa lamang ay alam na ng kanilang tanggapan na malapit nang ma-expire ang mga gamot.
Ito aniya ay dahil hindi na kung minsan tinatanggap sa mga probinsya ang gamot na kanilang ipinapadala dahil marami pa umanong stock.
Dagdag pa ni Domingo, ilan pa sa natirang gamot ay mga bakuna na hindi umano nagamit noong mga panahon na marami ang ayaw o takot magpabakuna matapos maging kontrobersyal ang dengvaxia.
Gayunman, tiniyak ng DOH na hindi na ito mauulit dahil may nakatutok na umano sa procurement at distribution ng mga gamot at iba pang medical supplies.