Sinagot ng Department of Health (DOH) ang alegasyon hinggil sa mahigit P3-B undistributed medicine.
Ito’y matapos sabihin ni senator Panfilo Lacson na mayroong sindikato sa likod ng overstocking sa expired at near-expiration medicines na nagkakahalaga ng P2.7-B kasama ang P2.2-B noong 2019.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinumite na nila sa senado ang kanilang paglilinaw ukol dito at naipatupad na rin ang rekomendasyon ng Commission on Audit.
Sinabi pa ni Vergeire, na naibigay na sa mga ospital ang mga naturang gamot at nakuha na rin ng mamamayang Pilipino.