Nagpasalamat ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy nitong pagtitiwala kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng pagkakasangkot nito sa umano’y katiwalian sa PhilHealth.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpapasalamat sila sa pangulo sa tiwalang ibinibigay sa kalihim lalo’t mahirap magpalit ngayon ng liderato dahil sa nararanasang krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod rin aniya ng mga nangyayaring development sa isyu ng PhilHealth, umaasa silang makapagtrabaho na ng may kapanatagan.
Gayunman sinabi ni Vergeire na gaya ng laging ipinahahayag ni Duque, bukas ang kanilang tanggapan sa anomang imbestigasyon na kailangang gawin upang lumabas ang katotohanan.