Kasabay ng National Hemophilia Awareness Month, pinayuhan ng Department of Health ang mga indibidwal na posibleng nakararanas ng hemophilia na magpatingin sa doktor.
Hinikayat din nito ang mga mamamayan na magpakonsulta sa mga primary care at health centers, gayundin sa health support groups.
Paliwanag ni Dr. Marielle Lois Manuel, Medical Specialist ng Philippine Blood Center, namamana ang nasabing sakit kaya’t mainam na magpatingin ang mga may family history ng bleeding disorder.
Ang hemophilia ay isang bihirang sakit, kung saan ang dugo ay hindi normal na namumuo dahil sa hindi sapat na blood-clotting proteins.
Para sa mga nais magpakonsulta, mayroong DOH Hemophilia treatment centers sa Baguio General Hospital and Medical Center; Region 1 Medical Center; Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital; Batangas Medical Hospital; Ospital ng Palawan; Bicol Regional Training and Teaching Hospital; Vicente Sotto Memorial Medical Center; at Western Visayas Medical Center.
Gayundin sa Zamboanga City Medical Center; Northern Mindanao Medical Center; Southern Philippines Medical Center; Philippine Children’s Medical Center; National Children’s Medical Center at Jose R. Reyes Memorial Medical Center.