Ibinunyag ng DOH ang unang 11 kaso ng Delta variant ng coronavirus kung saan dalawa rito ay nasa Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na-detect sa pamamagitan ng genome sequencing test ang 16 na bagong Delta variant cases na kinabibilangan ng limang returning Overseas Filipinos at 11 local cases.
Ipinabatid ni Vergeire na sa isa sa dalawang kaso ng Delta variant sa Metro Manila ay nasawi matapos isugod sa ospital nuong Hunyo 28 samantalang ang isa naman ay naka recover na mula sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na anim pang Delta variant cases ang na detect sa Region 10 at bahagi ng mas malaking cluster of cases na nagsakit sa pagitan ng Hunyo 23 hanggang 28 subalit lahat naman ay gumaling na rin.
Ang isang local case aniya na COVID-19 positive ay mula sa Metro Manila bagamat ang address nito ay nasa Region 3 at ito ay gumaling na rin.
Ang dalawang huling local cases ay mula sa Region 6 na kapwa rin gumaling na.
Samantala sa limang ROF cases, isa ay dumating sa bansa mula sa United Kingdom nuong Abril 26 at naka recover na matapos sumailalim sa 14 day quarantine.
Inihayag ni Vergeire na bini-verify pa ng DOH kung kailan dumating sa bansa at quarantine status ng huling dalawang ROF cases.