Naitala ng Health Department ang higit sa 600 kaso ng iba’t-ibang variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa tala na inilabas ng health department, umabot sa 266 ang naitalang mga bagong kaso ng UK variant; 351 naman sa South African variant; habang naitala naman ang 25 mga bagong kaso sa P.3 variant na naunang nadiskubre sa bansa.
Mababatid na ayon sa Health Department at Philippine Genome Center na ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern dahil kulang pa rin ang datos na nagpapatunay nito.