Nais ng DOH o Department of Health na i- regulate ang pagbebenta at pag gamit ng e – cigarettes at iba pang uri ng vaporizer products.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, malaki ang epekto nito sa development ng utak lalo na sa mga user ng e- cigarettes na edad 25 pababa.
Aniya, nagiging panimula lamang ang mga e – cigarettes sa mga kabataan ngunit kinalaunan ay nauuwi rin ito sa pangmatagalang paggamit ng sigarilyo.
Binigyang diin pa ni Domingo na dapat magkaroon ng batas na nagbabawal sa pag gamit sa e- cigarettes at vaporizers sa mga pampublikong lugar.