Plano ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng mas maraming cold storage facilities sa bansa na pag-iimbakan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nais nilang magtalaga ng mga pasilidad sa iba’t ibang rehiyon upang matiyak na mananatili ang bisa ng vaccine.
Batay sa isang Department Order, tinukoy naman ng DOH ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bilang national vaccine storage facility.
Matatandaang iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino sa DOH na gamitin ang mga cold-storage facilities ng mga pabrika ng ice cream bilang imbakan ng bakuna upang hindi masira kapag dumating na sa bansa.