Naplantsa na ng gobyerno ang mga kinakailangang protocol sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang sakit ngayong papalapit na ang panahon ng tag-ulan.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsabi ring naghahanda na rin ang mga competent at decisive doctors para tumugon sa mga ganitong sitwasyon.
Kailangan aniya ng matalinong pagpapasya sa panig ng mga duktor na kung mayruong may ubo, sipon at masakit lalamunan lalo na kung galing sa area taas ang COVID-19 transmissio, pu-puwedeng ikunsider na COVID-19 case ang isang pasyente kayat dapat na kaagad i-isolate na ang mga ito para hindi na makahawa pa.