Nakakuha na ang DOH team ng sample ng Larvae at adult mosquitoes mula sa mga bahay na nasa loob ng 200 meter radius o malapit sa tinitirhan ng biktima ng Zika Virus sa Iloilo
Ang nasabing kaso na mula sa barangay Benedicto sa bayan ng Jaro ay ikalima na sa tala ng mga otoridad na apektado ng Zika Virus
Nagsagawa na rin ang DOH team ng contact tracing para mabatid ang lawak ng posibleng infection ng Zika Virus sa komunidad
Inaalam na rin ng DOH team kung anu anong lugar ang binisita ng nasabing biktima na wala naman anilang history na nangibang bansa
By: Judith Larino