Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng kumpirmadong kaso ng stray bullet injury.
Batay sa pinakahuling firecracker-related injuries surveillance ng kagawaran, ang biktima ng ligaw na bala ay naiulat noong Enero a-primero sa Philippine National Police (PNP).
Ang biktima ay isang 23-anyos na lalaki mula sa Muntinlupa City na tinamaan ng ligaw na bala noong bisperas ng bagong taon.
Sa ngayon ay umabot na sa 173 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok kung saan 39% dito ay mula sa Metro Manila.
Samantala, wala namang naiulat na firework ingestion. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)