Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1, 011 bagong kaso ng Omicron BA.5 sa bansa kahapon.
Batay sa huling genome sequencing, kabilang sa bagong infections ang 336 cases mula sa Western Visayas; 82 sa NCR; 79 sa Central Luzon at 75 sa CALABARZON.
Sa kabila nito, nasa 900 naman ang gumaling na at mahigit 50 ang naka-isolate habang bineberipika ang iba pa.
Sa kabuuan, mayroon ng 5, 214 Omicron BA.5 sa Pilipinas kabilangang dalawang nasawi.