Nadagdagan ng 12 ang bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, sumampa na sa 60,749 ang nasawi sa bansa dahil sa sakit.
Nadagdagan naman ng 4,801 ang mga gumaling sa virus kaya umaabot na ngayon sa 3,689,974.
Samantala, nitong Martes ay nakapagtala ang DOH ng 2,646 bagong nahawa sa COVID-19.
Dahil dito, sumampa na sa 3,782,822 ang total case load sa Pilipinas.
Bahagya namang bumaba ang bilang ng active cases na nasa 32,099 na ngayon mula sa 34,268 kahapon.
Ang mga rehiyong nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas sa dalawang linggo ay ang NCR na may 14,821, CALABARZON na may 9,715 at Central Luzon na may 4,551.